4 patay sa pamamaril ng isang 16-anyos sa kanyang pamilya sa bisperas ng Bagong Taon sa US

 

Patay ang apat na katao kabilang na ang 3 miyembro ng isang pamilya makaraang pagbabarilin ang mga ito ng 16-anyos nilang kamag-anak sa ilang minuto bago sumapit ang bagong taon sa southern New Jersey.

Hawak na ng mga otoridad ang hindi pinangalanang menor de edad na suspek sa pagpatay sa kanyang sariling ama, ina, kapatid at isang kaibigan sa loob ng kanilang tahanan sa Long Branch New Jersey.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Steven Kologi, 44 ama ng suspek, Linda Kologi, 42 ina; ang 18-anyos na kapatid ng suspek na si Brittany Kologi at Mary Schultz, 70, kaibigan ng pamilya ng nasawi.

Maswerteng nakaligtas naman sa pamamaril ang isa pang kapatid at lolo ng salarin.

Sa inisyal na imbestigasyon, bigla na lamang pinagbabaril ng 16-anyos na suspek ang mga tao sa loob ng kanilang tahanan gamit ang isang semi-automatic rifle dakong alas 11:43 ng gabi, bisperas ng Bagong Taon.

Nang rumesponde ang mga alagad ng batas, kusang-loob namang sumuko ang suspek.

Tumanggi naman ang mga otoridad na tukuyin ang posibleng motibo sa likod ng pagpatay ng binatilyo sa kanyang pamilya.

Kahit menor de edad, nakatakdang isalang sa paglilitis ang sa kasong murder suspek bilang isang adult o akusado na nasa hustong gulang.

Read more...