Gilas Pilipinas nakabawi, HongKong, tinambakan

vs hkBumawi ang Gilas Pilipinas mula sa pagkakatalo nito kahapon sa pagbubukas ng 2015 FIBA Asia Championship sa Changsa, China.

Tinalo ng Gilas ang koponan ng Hong Kong sa iskor na 101-50 sa laban na naganap kaninang umaga.

Sa simula pa lamang ng 1st quarter nakapagtala na ng 12-0 na iskor pabor sa Gilas.

Umabot sa 14 puntos ang nai-ambag ni Dondon Hontiveros dahilan para umabot sa 78-33 ang iskor sa ikatlong quarter ng laban.

Dahil dito, nahirapan na ang Hong Kong na mahabol pa nag napakalaking kalamangan.

Kahapon ay marami ang nadismaya sa pagkatalo ng Gilas laban sa Palestine sa pagbubukas ng FIBA Asia Championship.

Sa simula kasi ng laban ay lamang ang Gilas pero nagawang makahabol ng Palestine at nakapagtala ng 75-73 na iskor laban sa Philippine team.

Bukas ang koponan naman ng Kuwait ang makakalaban ng Gilas, kung saan tatagertin nito ang ikalawang panalo para sa preliminary round.

Read more...