Ito ang nilalaman ng New Year’s message ni North Korean leader Kim Jong-un.
Ayon kay Kim, hinding-hindi kakayanin ng US na magsimula ng giyera laban sa NoKor.
Ani Kim, ang buton para sa nuclear weapons ng NoKor at nasa kaniya lamang lamesa at kayang-kaya nitong targetin ang buong US.
“The entire United States is within range of our nuclear weapons, and a nuclear button is always on my desk. This is reality, not a threat,” ayon kay Kim sa kaniyang New Year’s Day speech.
Ngayong taong 2018, sinabi ni Kim na mas sesentro pa sila sa mass producing ng nuclear warheads at ballistic missiles para sa operational deployment.
Nilinaw naman ni Kim na gagamitin lamang nila ang mga ito kapag may banta sa seguridad.
Kabilang naman sa binanggit ni Kim ang posibilidad na magpadala siya ng delegasyon sa gaganapin na Winter Olympics Games sa Pyeongchang, South Korea sa Pebrero.
Oportunidad aniya ang Winter Games para ipakita ang pagkakaisa ng mga mamamayan. Ani Kim, magpupulong ang mga opisyal ng North at South Korea hinggil dito.