Nakapagtala ng malamig na temperatura sa Baguio City sa unang araw ng taong 2018.
Ayon sa PAGASA, sa kanilang monitoring, 12.2 degrees Celsius ang naitala sa Baguio City alas 6:00 ng umaga ng January 1.
Mas malamig ito kung ikukumpara sa 12.4 degrees Celsius na naitala kahapon sa lungsod.
Pero ayon sa PAGASA, ngayong holiday season, pinakamalamig na naitalang temperature sa Baguio City ay noong December 16, 2017 alas 5:00 ng umaga na umabot sa 11.5 degrees Celsius.
Samantala, sa Metro Manila, nakapagtala ng malamig na 21.1 degrees Celsius alas 6:00 ng umaga.
Noon ding December 16 naitala ang pinakamababang temperature sa Metro Manila ngayong holiday season na umabot sa 21.0 degrees Celsius.
MOST READ
LATEST STORIES