Makina ng eroplano ng PAL, nahagip ng ‘dolly’ na pinagsasakyan ng mga bagahe

PAl file photoHindi nakaalis patungong General Santos City ang isang eroplano ng Philippine Airlines matapos mahagip ng ‘dolly’ ang makina nito habang nasa bay 19 ng terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Hindi naman naging matindi ang pinsala pero minabuti ng pamunuan ng PAL na ilipat na lang sa ibang flight ang mga pasahero ng PR 453.

Ang nasabing PAL flight ay nasa bay 19 ng NAIA terminal 2 nang ito ay mahagip ng ‘dolly’ nang kumalas ito sa pagkakakabit mula sa humihilang tow truck.

Ang ‘dolly’ ang pinagsasakyan ng mga bagahe ng mga pasahero na isinasakay sa eroplano.

Ayon sa media affairs ng Manila International Airport Authority (MIAA), hindi naman nakaapekto sa biyahe ng iba pang eroplano ang nasabing insidente.

Iniimbestigahan na rin kung bakit kumalas ang ‘dolly’ sa humihilang tow truck.

Read more...