Libu-libong Muslim nagtipon-tipon sa Quirino Grandstand para sa Eid’l Adha

12053304_906228159443743_874221306_n
Kuha ni Ruel Perez

Maagang nagtipun-tipon sa Burnham Green sa harap ng Quirino Grandstand sa Maynila ang mga kababayang Muslim para sa paggunita ng Eid’l Adha.

Sama-sama ang mga pamilyang Muslim na nag-alay ng panalangin ngayong umaga.

Batay sa tradisyon, naghahanda ng pagkain, nagsusuot ng bagong damit, nagbibigay ng pera at regalo at sa isa’t isa ang mga Muslim lalo na sa mga bata sa ganitong panahon ng Feast of Sacrifice.

Ito ay bilang tanda anila ng kanilang pagmamahal.

Matapos ang pagdarasal sa umaga, magkakatay ng tupa, baka o kambing ang mga pamilyang Muslim at saka ipamamahagi sa mga kaibigan at mga kapitbahay.

Bukas ang itinakdang holiday ng Malakanyang base na proklamasyon na nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III.

Samantala, mahigit 8,000 Muslim Filipino pilgrims naman ang dumagsa sa Mecca sa Saudi Arabila bilang bahagi ng paggunita sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.

Ayon kay Consul General Imelda Panolong ng Philippine Consulate sa Jeddah umabot sa 8,130 Filipino pilgrims ang nasa Mecca.

Ang mga magtipon-tipong pinoy ay pinangunahan ni National Commission on Muslim Filipinos Secretary Yasmin Busran-Lao, na siya ring Amerul Hajj ngayong taon.

Read more...