Maasim, Sarangani, niyanig ng Magnitude 5.2 na lindol

Higit isang oras bago ang bagong taon ay niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Maasim, Sarangani.

Ang episentro ng pagyanig ay naitala sa layong 48 kilometro sa Kanluran ng Maaasim, Sarangani, eksakto 10:53 ng gabi ayon sa Phivolcs.

May lalim itong dalawang kilometro at tectonic ang dahilan.

Naitala ang Intensity III sa General Santos City at Davao City habang Intensity II naman sa Zamboanga City.

Bagaman may kalakasan, wala namang inaasahang pagkasira sa ari-arian dulot ng pagyanig.

Inaasahan naman ang mga kasunod pang mga lindol o aftershocks.

Read more...