Pickup truck nahulog sa palaisdaan sa Jaro, Iloilo

Naligo sa putik ang driver at pasahero ng isang pickup truck matapos itong mahulog at bumaligtad sa isang palaisdaan sa Barangay Balabago sa Jaro, Iloilo.

Ayon sa driver ng naturang sasakyan na si Cenvi Lyre Cordero, napunta sa gutter ang isang gulong ng pickup, dahilan para mawala ito sa balanse at tuluyang mahulog sa palaisdaan.

Kwento naman ng pasahero nito na si Rianess Paderna, lumabas sila para mamili ng kanilang ihahanda para sa media noche nang maganap ang aksidente. Dahil dito ay nalubog din sa putik ang ipinamili nila.

Kapwa ligtas naman ang driver at pasahero na kaagad tinulungan ng mga residente.

Read more...