Habang binabagtas ng binabantayang low pressure area (LPA) ng PAGASA ang Mindanao sa mismong araw ng bagong taon ay inaasahan naman itong magiging isang ganap na bagyo na tatawaging Agaton.
Sa huling abiso ng weather bureau, huling namataan ang LPA sa layong 850km silangan ng Surigao City sa Surigao del Norte.
At sa araw ng bukas ay posible itong maging isang tropical depression.
Inaasahang magdadala ito ng katamtaman hanggang sa mabigat na mga pag-uulan, na maaaring magdulot ng flash floods at landslides.
Samantala, magdadala naman ng paminsan hanggang sa madalas na mga pag-uulan sa Eastern Visayas ang tail-end of a cold front.
MOST READ
LATEST STORIES