Nagpositibo sa isinagawang paraffin test ng Philippine National Police (PNP) ang sampung sangkot sa naganap na shooting incident sa Mandaluyong City noong Huwebes, December 28.
Kabilang dito ang nasawing si Jonalyn Ambaan, isang maghahatid sana sa kanya sa opital, dalawa mula sa grupo ng unang namaril sa Barangay Addition Hills, dalawang barangay tanod, at apat na miyembro ng Mandaluyong City Police.
Nangangahulugan itong humawak si Ambaan at kasamang si Mhury Jomar ng baril at nagpaputok gamit ito.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Superintendent Oscar Albayalde, posibleng nagkabarilan bago nagkaroon ng habulan sa pagitan ng puting Mitsubishi Adventure at mga pulis.
Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, dalawang lalaki mula sa panig ng suspek sa pamamaril kay Ambaan na si Abdurakman Alfin ang itinuturong nagsumbong sa mga otoridad na laman umano ng Adventure ang suspek sa pamamaril. Ngunit sa katunayan ay ang biktima ang laman nito.