Canada may travel advisory sa Mindanao dahil sa kidnapping sa Samal Island

Samal Kidnapping Sept 21Nagpalabas ng travel advisory ang Canada sa kanilang mga mamamayan at pinaiiwas sa pagbiyahe sa ilang lugar sa Mindanao.

Ito ay kasunod ng naganap na panibagong kaso ng kidnapping sa Samal Island kung saan dalawang Canadian, isang Norwegian at isang Pinay ang biktima.

Partikular na pinaiiwasan ang pagpunta sa ARMM, Zamboanga Peninsula at sa mga lalawigan ng Saranggani, Lanao del Norte, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Occidental, Davao Oriental, Cotabato, South Cotabato at Sultan Kudarat.

Ayon sa pamahalaan ng Canada, para lamang sa nabanggit na mga lugar ang abiso at hindi sa buong Pilipinas.

Malinaw ding isinaad sa advisory na hindi kasama sa pinaiiwasan sa mga mamamayan ng Canada ang urban areas sa Davao City.

Ayon sa Canadian government, ang mga nabanggit na lugar sa Mindanao ay dapat iwasan, dahil sa seryosong banta ng pag-atake ng mga terorista at kidnapping.

Maging ang pamahalaan ng United Kingdom ay nagpasabi na rin sa kanilang mga mamamayan na mag-ingat sa pagbiyahe sa ilang lugar sa Mindanao.

Tiniyak naman ng mga otoridad sa Norway ang pakikipag-ugnayan sa gobyerno ng Pilipinas hinggil sa insidente.

Read more...