Sinibak sa puwesto ang limang fire officials sa Davao City kasunod ng malagim na sunog sa NCCC Mall na ikinasawi ng tatlumpu’t walo katao.
Ayon kay Senior Supt. Wilberto Rico Niel Kwan Tiu, hepe ng Bureau of Fire Protection Southern Mindanao, kabilang sa mga sinibak sa puwesto ay sina Supt. Honey Fritz Alagano, city fire marshall at Insp. Renero Jimenez, Talomo fire station commander.
Kasama din sa mga tinanggal sa puwesto sina Senior Fire Officer 1 Leo Lauzon at Fire Officer 2 Joel Quizmundo, na parehong fire safety inspectors; at Senior Fire Officer 1 Roger Dumag, hepe ng safety enforcement section ng Davao City fire office.
Ang nasabing hakbang aniya ay bahagi ng isinasagawang imbestigasyon sa naganap na sunog na tumupok sa NCCC mall noong December 23.
Sa nasabing trahedya, tatlumpu’t walong empleyado ng isang call center company na nasa loob ng mall ang hindi na nakalabas ng buhay matapos sumiklab ang sunog.