Ecstacy at cocaine, nasabat sa isang buy bust operation sa Quezon City

Nasamsam ng Quezon City Police District ang ilang liquid ecstacy at cocaine sa isinagawang buy bust operation sa bahagi ng Timog Avenue, Quezon City.

Arestado ang tatlong babae at isang lalaking suspek sa operasyon.

Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, nakuha sa mga suspek ang mahigit 30 gramo ng cocaine at 200 tabletas ng ecstacy kasama pa ang apat na bote ng liquid ecstacy.

Paliwanag nito, mahalaga ang isinagawang operasyon ngayong Bisperas ng Bagong Taon dahil mayroon aniyang ilan na nagdiriwang ng Bagong Taon na lango sa droga.

Samantala, nagkaroon na aniya ng surveillance and intelligence monitoring ang QCPD bago isinagawa ang operasyon.

Katuwang namang QCPD ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa operasyon.

Read more...