Sasalubungin ng pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo ang taong 2018.
Inaasahang magpapatupad ng oil price increase sa mga susunod na araw ang mga kumpanya ng langis.
Batay sa oil industry sources, madadagdagan ng 60 centavos hanggang 70 centavos ang presyo ng kada litro ng diesel.
Aabot naman sa 20 centavos hanggang 30 centavos ang dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Sa presyo naman ng kerosene, inaasahang aabot sa 70 centavos hanggang 80 centavos ang madadagdag sa kada litro.
Ang nasabing oil price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
MOST READ
LATEST STORIES