Matapos ang mahigit walong oras, naibalik na ang Poong Itim na Nazareno sa loob ng sa Quiapo Church bandang 10:35 ng umaga.
Ito’y matapos ang isinagawang prusisyon na nagsimula kaninang alas dos ng madaling araw.
Ang nasabing prusisyon ay bahagi ng pagsisimula ng siyam na araw ng novena mass sa Pista ng Poong Nazareno.
Ayon kay Manila City Police Station 3 Station Commander Supt. Arnold Ibay, tinatayang aabot sa 200,000 ang nakiisa sa naturang prusisyon.
Maayos na inantabayanan ng libu-libong deboto ang imahe ng Itim na Nazareno kasama na ang ilan na matiyagang naghintay sa labas ng simbahan.
Dahil sa prusisyon, ipinasara ang southbound lane ng Quezon Boulevard mula A. Mendoza/Fugoso hanggang Plaza Miranda, eastbound lane ng Recto Avenue mula Rizal Avenue hanggang SH Loyola Street at westbound lane ng España Boulevard mula P. Campa hanggang Lerma Street.