Ito ay ikukumpara sa naitalang datos noong nakaraang taon.
Ayon kay PNP spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos, simula December 21 hanggang December 29, 2017 ay kabuuang 72 na firecracker-related injuries lamang ang naitala.
Apatnapung porsyento o apatnapu’t walong kaso na mas mababa ito sa naitala noong 2016.
Sinabi din ng PNP at DOH na wala silang na-monitor na anumang kaso ng pagkakalunok sa paputok at nasugatan dahil sa ligaw na bala bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Samantala, nang magsimula ang Oplan Ligtas Paskuhan ng PNP noong December 16 ay aabot sa labing apat katao ang naaresto na nagbebenta ng iligal na paputok, habang P14,230 na halaga naman ng iligal na paputok ang nakumpiska.
Ayon kay Carlos, nakatulong sa pagpapababa ng firecracker at stray bullet incidents ang maagang kampanya, operasyon at surprise inspections ng PNP sa iba’t ibang establisyimiento na nagbebenta ng paputok.
Hinimok naman ng PNP ang publiko na i-post o i-upload sa social media ang mga larawan o videos ng mga tao na makikitang gumagamit ng baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.