Sketch ng suspek sa dumukot sa Samal City, inilabas na

Samal_abduction_artist_sketch_thumb_2015_09_23_18_52_36Naglabas na ang Task Group Ocean View ng isang cartographic sketch ng isa sa mga suspek na dumukot sa mga turista sa Samal City.

Ayon kay Chief Supt. Federico Dulay, head ng Task Group Ocean View, base ang sketch sa pahayag ng isang biktimang dayuhan na si Kazuko Tripp.

Nakatakas si Tripp matapos tumalon sa dagat, noong panahon ng pagdakip.

Sa paliwanag ni Tripp, malalaman na ang lalaking suspect ay nasa 25-30 taong gulang, may 5’2″ ang taas, medium built at may maitim na balat.

Ang suspek ay huling namataan na nakasuot na dark t-shirt at naka trek shorts na may green na design.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon upang lalong higit na makilala ang mga itinuturong suspek.

Read more...