Sinabi ni Pangulong Noynoy Aquino na hindi dapat mabahala ang mga bansa, lalo na sa Asia Pacific Region, hinggil sa bagong batas ng Japan.
Ito ay ang Collective Self-Defense o CSD kung saan tatanggalin na nito ang constitutional ban sa sa pagpapadala ng Japanese Self-Defense Forces (SDF) sa kaalyado kontra sa kalabang pwersa.
Dahil dito, maaari nang sumali sa giyera ang Japan na otorisado ng United Nation.
Ayon kay Pangulong Aquino, hindi ito maituturing na isang provocative move, dahil bahagi lamang ito ng isang lehitimong self-defense exercise.
Dagdag pa ng pangulo, hindi dapat ipagkait sa Japan ang karapatan dahil halos lahat naman na mga bansa ay may ganitong batas.
Aniya, wala ding dapat ipagalala ang Pilipinas, dahil malayo na ang relasyon ng bansa at Japan, pagkatapos ng World War 2.