Plataporma ng “Daang Matiwid”, hindi dapat kopyahin lang ni Poe

poe-drilonUmiinit ang mga sagutan sa pagitan ng kampo ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas, at Independent presidential candidate Sen. Grace Poe.

Binatikos ni Liberal Party Vice chairman Senate President Frank Drilon ang mga kalaban ni LP standard bearer Mar Roxas.

Aniya, kailangang maghanap at gumawa ng sariling plataporma ang mga katunggali, at hindi ihalintulad sa mga plataporma ng administrasyon.

Matatandaang nabanggit ni Poe na hindi dapat angkinin lamang o “monopolyohin” ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino ang sinasabing “daang matuwid.”

Ngunit iginiit naman ni Drilon, na si Roxas ang opisyal na inendorso nito at hindi si Poe.

Ani Drilon, ibinabase lamang nya ang salitang ginamit ni Pnoy na “Daang Matuwid” na umano’y prinsipyo ng administrasyon para sa kanilang pamamalakad.

Ngunit agad namang sinabi ni Poe, na hindi dapat lamang sa iisang partido ang mga programa at proyekto ng administrasyon, kundi para sa buong bansa.

Matatandaang unang inalok ni Pangulong Aquino si Poe na makasama ni Roxas sa pagtakbo sa 2016 elections, ngunit agad niyang tinanggihan ito.

Read more...