Nagparating ng pasasalamat ang Bureau of Immigration kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos payagan ng Punong Ehekutibo na gamitin ang makokolektang express lane fees para madagdagan ang sweldo at overtime pay ng mga empleyado sa kanilang hanay.
Sa isang pahayag, nagpasalamat si BI Commissioner Jaime Morente para aniya sa tapat na malasakit ng ng pangulo sa kapakanan ng mga empleyado ng ahensya.
Matatandaang inilatag ni Duterte sa kaniyang veto message hinggil sa 2018 General Appropriations Act ang pagbuo ng trust fund ng ahensya.
MOST READ
LATEST STORIES