Gayunman, negatibo ang kahulugan ng pagiging “Person of the year” ni Duterte dahil ibinibigay lang ito ng OCCRP sa napipili nilang indibidwal na may pinakamaraming nagawa para mas maisulong ang organized criminal activity.
Ayon sa editor ng OCCRP na si Drew Sullivan, ginawang katawa-tawa ni Duterte ang rule of law ng Pilipinas.
Ayon pa kay Sullivan, bagaman hindi isang tipikal na corrupt leader, sinuportahan naman niya ang katiwalian sa bagong pamamaraan.
Binatikos ni Sullivan ang aniya’y death squads ng pangulo na umano’y nakatuon sa mga kriminal, ngunit sa katunayan ay “less discriminating” naman.
Isinulong din aniya ni Duterte ang “bully-run system of survival of the fiercest.”
Sa huli aniya, ang Pilipinas ay naging mas tiwali, marahas at “less democratic.”
Natalo ni Duterte ang dalawang African strongmen sa titulong ito na si dating South African President Jacob Zuma at pinatalsik na Zimbabwean President Robert Mugabe.
Ang OCCRP ay isang non-profit organization sa Amerika na mayroong panel ng siyam na corrupion-fighting journalists, scholars at aktibista.