Ilang kalsada isasara bukas para sa prusisyon ng Nazareno sa Maynila

Nag-abiso na ang Manila Police District (MPD) na gumamit ng mga alternatibong ruta bukas, December 31 dahil may mga kalsadang isasara para sa prusisyon ng Itim na Nazareno.

Base sa inilabas na traffic advisory ng MPD Traffic Enforcement Unit, tatlong malalaking kalsada ang isasara mula ala-1:00 ng madaling araw ng Linggo.

Ito ay ang:
– Southbound lane ng Quezon Boulevard sa Quiapo, mula A. Mendoza/Fugoso hanggang Plaza Miranda
– Eastbound lane ng Recto Avenue mula Rizal Avenue hanggang SH Loyola Street
– Westbound lane ng España Boulevard mula P. Campa hanggang Lerma Street.

Inaabisuhan naman ang lahat ng mga motorista mula España Boulevard na patungong Roxas Boulevard, South Pier Zone o Taft Avenue na kumanan sa P. Campa Street at dumiretso sa Fugoso Street.

Para naman sa mga magmumula sa A. Mendoza Street patungong Quezon Boulevard, inaabisuhan ang mga motorista na kumanan sa Fugoso Street at saka kumaliwa sa Rizal Avenue.

Read more...