Number coding, sususpindehin ng MMDA sa January 2

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sususpindehin nila ang number coding scheme sa January 2 para sa mga pribado at pampublikong sasakyan sa January 2, araw ng Martes.

Ayon kay MMDA public information officer Sharon Gentalian, sakop ng hindi pag-iral ng number coding ang buong Metro Manila.

Una nang naglabas ang MMDA ng abiso na lifted na rin ang number coding sa January 1, na isang holiday.

Inaasahang pagsapit ng January 2 babalik sa Metro Manila ang mga taong nagtungo sa kani-kanilang probinsya upang salubungin ang bagong taon.

Kadalasang nagkakaroon ng pagsikip sa daloy ng trapiko tuwing pagkatapos ng bagong taon, lalo’t nalalapit na rin ang pagbabalik-eskwela ng mga estudyanteng nag-bakasyon.

Read more...