Wala namang nakikitang direktang koneksyon sa pagitan ng dalawang suspek na naaresto, pero pareho silang nahaharap ngayon sa kasong criminal conspiracy.
Nagpa-plano ang lalaki na umatake laban sa mga sundalo, habang ang babae naman ay nagbabalak na umatake sa mga lalawigan sa France.
Ayon sa source, parehong determinado ang dalawa na isagawa ang kanilang mga plano at naikasa na rin nila pati ang kanilang mga targets.
Gayunman, hindi nila natapos ang kani-kanilang mga proyekto, ayon sa pahayagang Le Figaro.
Napag-alaman din na nakikipag-ugnayan ang dalawa sa mga miyembro ng Islamic State (IS) sa pamamagitan ng social media networks.
Nasukol ang lalaki malapit sa Lyon, habang ang babae naman ay naaresto sa Paris region.