Hinihinalang miyembro ng NPA, napatay sa Davao Oriental

lupon davao orientalIsang hinihinalang miyembro ng New People’s Army ang napatay sa bakbakan laban sa mga puwersa ng gobyerno sa Lupon, Davao Oriental kahapon.

Ayon sa tgapagsalita ng Eastern Mindanao Command na si Capt. Alberto Caber, ang mga sundalo ay nagsasagawa ng security patrol sa Sitio Yauri sa Barangay Calapagan bandang alas kuwatro ng hapon nang bigla silang pinaputukan ng mga komunistang rebelde.

Tumagal ng 45 minuto ang naganap na palitan ng putok na ikinamatay ng isang rebelde.

Ani Caber, narekober ng mga sundalo ang isang M16, M4 at isang AK-47 rifle kasama ang isang improvised explosive device na hindi naman sumabog sa pinangyarihan ng insidente.

Wala naman aniyang naitalang nasugatan sa mga sundalo.

Dagdag pa niya, umabot na sa 106 high-powered firearms ang narekober na ng iba’t ibang unit ng Eastmincom sa mga nagdaang engkwentro laban sa mga komunistang gerilya.

Nilinaw naman na walang kinalaman ang nangyaring engkwentro sa search and rescue operations na inilunsad ng mga otoridad kaugnay sa insidente ng pagdukot sa isla ng Samal noong Lunes.

Read more...