Sky Cable nagpaliwanag sa signal interruption kapag may ‘Aldub’ kalyeserye

 

Nagpaliwanag na ang Skycable kaugnay sa bagong reklamo ng GMA Network kaugnay sa nararanasang signal interuption ng mga subscriber nito.

Ang hinaing ng mga televiewers na natanggap ng GMA ay ang umano’y sa oras ng kanilang panonood ng Eat Bulaga partikular sa segment na “kalye serye” na pinagbibidahan ng tambalang Aldub o sila Alden Richards at Maine Mendoza.

Ayon sa Skycable Corporation, hindi sila nakaranas ng problema sa kanilang network na nag-resulta sa pagkawala sa signal ng GMA lamang.

Giit pa ng Cable TV service company, kung mayroon mga insidente ng pagkawala ng signal sa network ito’y nakaka-apekto sa ibang channels at hindi sa GMA 7 lamang.

Dagdag pa ng Skycable na TV subsidiary ng ABS-CBN, patuloy ang kanilang kooperasyon sa National Telecommunications Commission o NTC para sa imbestigasyon na isinasagawa nito.

 

Read more...