5 lugar nasa state of calamity dahil sa bagyong Vinta

 

Bagaman nakalabas na ng bansa ang bagyong “Vinta,” nananatiling lubhang apektado ang maraming bahagi ng bansa dahil sa pananalasa nito.

Kaugnay nito, limang lugar pa ang isinailalim sa state of calamity dahil sa mga pinsalang natamo bunsod ng pananalasa ng nasabing bagyo.

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nagdeklara na ng state of calamity sa Tambulig, Zamboanga del Sur; Bacolod, Lanao del Norte; buong lalawigan ng Lanao del Norte; Labason, Zamboanga del Norte at sa Salug, Zamboanga del Norte.

Sa Regions 9, 10 at Caraga, nakapagtala na ang NDRRMC ng P247,471,090 na halaga ng pinsala sa agrikultura.

Kabuuang P169,510,000 naman ang halaga ng naitalang pinsala sa imprastraktura sa mga nasabing lugar.

Read more...