NDRRMC naghahanda sa paparating na bagong bagyo

 

Mananatili sa ilalim ng red alert status ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hanggang sa mga susunod na araw.

Ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ng NDRRMC ang posibilidad na pumasok sa bansa sa weekend ang isa na namang bagyo.

Una nang binanggit ng PAGASA na posibleng pumasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility ang bagong bagyo sa Sabado o Linggo, bisperas ng Bagong Taon.

Inaasahang lalakas pa ito at magiging isang tropical depression bago ito tumama sa lupa.

Ayon sa NDRRMC, kanila nang inalerto ang lahat ng mga Local Government Units na una nang naapektuhan ng nakaraang mga bagyong Urduja at Vinta sa posibilidad na muli silang maapektuhan ng papalapit na bagong bagyo.

Dahil aniya dito, mananatiling naka-alerto ang kanilang mga relief at rescue units kahit sa paghihiwalay ng taon upang mapaghandaan ang epekto ng bagyo.

Sa oras na pumasok sa PAR, tatawagin itong bagyong ‘Wilma’.

Read more...