Magnitude 5.5 na lindol naitala sa dagat ng Davao Occidental

 

Nakaranas ng magnitude 5.5 na lindol ang karagatang malapit sa Davao Occidental, dakong ala-1:20 ng madaling-araw kanina.

Ayon sa inisyal na pagtaya ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 237 kilometro sa silangan ng Sarangani, Davao Occidental.

Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na 65 kilometro.

Wala namang naitalang aftershock sanhi ng paggalaw ng lupa sa ilalim ng karagatan.

Read more...