PUJ modernization program hindi anti-poor ayon sa Malacañang

 

Pinakakalma ng Palasyo ng Malakanyang ang mga tsuper ng jeep na tutol sa Public Utility Modernization Program na magsisimula na sa susunod na taon.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, hindi anti-poor ang naturang programa.

May mga hakbang aniya na inilatag ang pamahalaan para maayudahan ang mga jeepney driver at para mapaganda ang public transport sector ng bansa at hindi para tanggalan ng kabuhayan ang mga drayber ng jeep.

Sa katunayan ayon kay Roque, layon nitong mas mapalakas at mapalaki ang kita ng jeepney business.

Mayroon aniyang financing program ang gobyerno na idadaan sa Landbank at Development Bank of the Philippines.

Maliban pa ito sa P80, 000 subsidy ng gobyerno sa bawat kukuning unit kung saan katulong din ang Department of Finance na nag-aalok ng 5% equity at 6% interest sa 7-years financing package.

Read more...