Lalaki patay sa pananambang sa Mandaluyong

 

Kuha ni Justinne Punsalang

Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin ang sinasakyang AUV sa panulukan ng Shaw Boulevard at Old Wack Wack sa Mandaluyong City.

Wala pang pagkakakilanlan ang lalaking nakahandusay sa likod ng puting Mitsubishi Adventure na may plakang WNX 737.

Mayroong kasama ang lalaki na isinugod na sa pinakamalapit na pagamutan.

Samantala, dahil sa naka-kurdon na crime scene ay nakasarado ang naturang bahagi ng Shaw Boulevard. Nagresulta ito sa pagsisikip sa daloy ng trapiko at rerouting ng mga sasakyan na dumadaan.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis tungkol sa pangyayari.

 

Read more...