Matatandaang kahapon ay opisyal nang inilagak ni Duterte si Faeldon bilang deputy administrator sa OCD.
Inamin naman ni Lorenzana na hindi nila hiniling si Faeldon para sa opisina.
Ayon pa sa kalihim, wala silang nalalaman ni OCD administrator Usec. Ricardo Jalad tungkol sa plano ng pangulo na ilagak sa kanilang opisina si Faeldon.
Gayunman, sinabi ni Lorenzana na anuman ang maging desisyon ng Palasyo ay kanilang susundin.
Maluwag naman aniya nilang tatanggapin si Faeldon sa OCD dahil ito ay isang tapat, dedicated at competent na opisyal na magsisilbing asset sa kanilang organisasyon.