Hindi bababa sa 11 katao ang iniwang patay ng naturang dalawang bagyo, habang 27 naman ang nawawala hanggang sa ngayon.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Palawan, karamihan sa mga namatay ay mula sa liblib na barangay ng Mangsee sa bayan ng Balabac.
Ayon naman kay Gil Acosta, Public Information Officer ng Palawan, inaasahan nilang dadami pa ang bilang ng mga namatay hanggang sa 30 tao kapag nakatanggap na sila ng update mula naman sa mga search-and rescue teams na pinasok ang Barangay Mangsee.
Sa huling datos ng PDRRMO ng Palawan, kinilala na ang mga namatay na sina:
– Meradz Kanaing
– Muza Sahi
– Alliya Abdulmufti
– Romeo Tarsina
– Felix Polingtan
– Nonoh Fraginal
– isang kinilala lamang sa tawag na Timiong; at
– isang walong buwang gukang na sanggol na may apelyidong Kasim.