Dating LTO chief Virginia Torres, dummy raw ni Pangulong Aquino-Rep. Hicap

Malaki ang hinala ni Anakpawis PL Rep. Fernando Hicap na ‘dummy’ ni Pangulong Noynoy Aquino sa Hacienda Luisita si dating LTO Chief Virginia Torres.

Ayon kay Hicap, posibleng may hawak pa rin si PNoy sa Hacienda Luisita sa pamamagitan ng kanyang kontrobersyal na kabarilang si Torres.

Inihalimbawa ng kongresista ang pagkakasangkot ni Torres sa malawakang ‘aryendo’ o mababang taunang renta sa lupa sa mga taniman ng tubo sa Hacienda Luisita.

Ang ‘aryendo’ aniya na labis na pananamantala sa mga magsasaka, ay malinaw na indikasyon na ginagamit ni Presidente Aquino si Torres bilang dummy, para mapanatili ang kontrol sa hasyenda.

Hinamon naman ni Hicap si Pangulong Aquino na i-utos ang agarang paghahain ng kaso laban kay Toress kaugnay sa isyu ng sugar smuggling.

Giit ni Hicap, dapat laliman ang imbestigasyon sa naturang usapin dahil hindi maglalakas-loob si Torres na humirit si Bureau of Customs na ilabas ang mga smuggled sugar kung wala siyang koneksyon sa itaas.

 

Read more...