Gilas Pilipinas, talo sa unang laro kontra sa bagitong Palestine sa FIBA

 

Mula sa inquirer.net

Talo ang Gilas Pilipinas sa unang laro sa 2015 FIBA Asia Championship na ginaganap sa Changsha, China kung saan una nilang nakasagupa ang baguhang team ng Palestine.

Natalo ang Gilas sa score na 75-73.

Todong nahirapan ang Gilas kontra Palestine pagsapit sa fourth quarter ng kanilang laro.

Si Sani Sakakini ng Palestine ang nakapagpanalo sa kanilang kuponan na nagbigay ng three-point play sa nalalabing oras na 15.8 seconds.

Sa Huwebes naman ay umaasa ang National Team na makabawi sa makakaharap nilang kalaban na Hongkong sa nagpapatuloy na preliminary round ng FIBA.

 

Read more...