Lalaki patay matapos mahulog sa PBCom Tower sa Makati

Photo Credit: GRACE GLORY ORNIDO

Patay ang isang lalaki makaraang mahulog mula sa ikapitong palapag ng PBCom Tower sa Makati City.

Naganap ang insidente alas 9:00 ng umaga sa kanto ng Rufino Street at Salcedo Village.

Base sa ID na nakuha mula sa lalaki, kinilala itong si Rissan Vilaroso.

Kinumpirma ng Southern Police District na nasawi ang nasabing lalaki dahil sa pagkakahulog.

Gayunman, hindi pa malinaw kung aksidente ang nangyari o sadyang tumalon ang lalaki.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...