Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa maraming bayan sa Mindanao

Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa maraming bayan sa mga lalawigan sa Mindanao.

Sa rainfall advisory ng PAGASA, yellow warning level ang nakataas sa mga bayan ng Hinatuan, Tagbina, Bislig at LIngig sa Surigao Del Sur; Trento, Santa Josefa, Bunawan, Loreto, La Paz at Rosario sa Agusan Del Sur; Boston, Cateel at Baganga sa Davao Oriental; Monkayo, Compostela at New Bataan sa Compostela Valley at sa lalawigan ng Basilan.

Ayon sa PAGASA, nakararanas ng tuluy-tuloy na malakas na buhos ng ulan ang nasabing mga lugar.

Dahil dito, nagbabala na ang PAGASA ng posibleng pagbaha sa mga residente na nakarita malapit sa mga ilog.

Pinayuhan din ng PAGASA ang mga residente sa Mindanao na mag-antabay sa susunod na rainfall advisory na ilalabas ng weather bureau.

 

 

 

 

 

Read more...