Arestado ang anim na katao matapos ang isinagawang drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District sa Barangay Kaligayahan.
Base sa inisyal na impormasyon alas 4:45 ng madaling araw nang isagawa ang operasyon sa kanto ng Quirino Highway at Zabarte Road ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng QCPD Station 5.
Kinilala ang anim na sina Florence Romano, 29 anyos; Wilson Casitas, 30 anyos at Jonathan Dimaano, 33 anyos; Eric dela Torre, 22 anyos; at Leozel Cipriano, 36 anyos na pawang residente ng Taguig City at si Rainbow Solis, 23 anyos na residente naman Caloocan City.
Nakumpiska sa kanila ang isang Toyota Avanza, ang P1,000 buy-bust money at 28 gramo ng hinihinalang shabu.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act ang anim na naaresto.