Bilang ng Instagram users sa buong mundo pumalo na sa 400-Million

 

Mula sa instagram.com

Ipinagyabang ng photo-sharing application na Instagram na umaabot na ngayon sa 400 million ang kanilang mga users.

Sa kanilang blog site sinabi ng Instagram na 75% ng kanilang mga bagong users ay galing sa mga bansa sa Europe at Asia partikular na sa Brazil, Japan at Indonesia.

Maituturing din na isa sa mga fastest-growing social networking site ang Instagram kung saan ay nahigitan na nila ng mahigit sa 100Million users ang Twitter.

Noong 2012 ay binili ng Facebook ang Instagram sa halagang $1Billion at makalipas ang isang taon ay kanila ring nabili ang WhatsApp na mayroon nang 900Million users at samantalang 700Million users naman para sa Messenger.

Sinabi ng research group na eMarketer na inaasahan nilang aabot sa $2.8Billion ang kabuuang sales ng Instagram sa taong 2017.

Inaasahan naman ng mga Tech Analysts na magpapatuloy pa rin sa pagbili ng mga bagong Apps ang Facebook dahil sasamantalahin nila ang mataas na bilang ng mga users para makapagpasok ng mga investors at dagdag na sales.

 

Read more...