Ang biyahe ng mga bus patungong Isabela at Cagayan area sa Sampaloc, Maynila ay fully-booked na at wala nang tinatanggap na reservation.
Para sa mga chance passengers naman, nagpaalala ang pamunuan ng mga bus company na maari lamang silang makasakay kung mayroong extra trips.
Hindi rin tiyak ang oras ng extra trips at sa mismong araw lang ng biyahe malalaman kung may bus bang available para sa mga chance passenger.
Sa December 31, 2017 naman hanggang sa January 1, 2018, magiging limitado lang ang biyahe ng mga bus patungong Norte.
Samantala, sa Araneta Center bus terminal, marami pa ring pasahero ang patuloy na dumadagsa.
Ang ibang mga pasahero ay pauwi ng mga probinsya para doon magdiwang ng Bagong Taon, habang ang iba naman ay kadarating lang ng Metro Manil galing sa kanilang lalawigan matapos magdiwang doon ng Pasko.
Ayon sa mga namamahala sa mga terminal ng bus, maaring hanggang sa Biyernes ay may mga pasahero pang bibiyahe pauwi sa mga lalawigan para sa pagsalubong ng Bagong Taon.