Panibagong bagyo, posibleng pumasok sa bansa Linggo ayon sa PAGASA

Dalawa hanggang tatlong araw pang walang papasok na bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, isang tropical depression ang nasa labas ng bansa ang kanilang binabantayan.

Pero sa Linggo pa o December 31 ito maaring pumasok sa Pilipinas.

Papangalanan itong Wilma sa sandaling ganap na makapasok sa bansa.

Sa ngayon, tail end ng cold front ang naka-aapekto sa eastern section ng Southern Luzon habang Amihan naman sa Northern at Central Luzon.

 

 

 

 

 

Read more...