Ito ay para matiyak ang kaligtasan at kapayapaan hanggang sa susunod na holiday matapos ang Kapaskuhan.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde, pagtutuunan nila ng pansin ang matataong lugar at mga mahahalagang pasilidad.
Dagdag pa ni Albayalde, doble na ang kanilang pasisikap para siguruhin ang kaligtasan ng publiko ngayong holiday season.
Kasama naman sa target nila sa kanilang pagbabantay ay ang makamit ang mas mababang insidente ng indiscriminate firing.
Samantala, ngayong nalalapit na ang pagsalubong sa Bagong Taon, pinaalalahanan ni Albayalde ang mga magulang na bantayan ang mga anak sa paggamit ng paputok at tiyaking huwag gumamit ng ipinagbabawal na paputok ang mga ito.