Ayon sa kanilang commander na si Rear Admiral Rene Medina, nagsagawa ng search and rescue operations ang mga tauhan ng Coast Guard nang makatanggap sila ng mga ulat na may mga bangkang tumaob sa nasabing lugar.
Pawang mga nagmula ang mga mangingisda sa Mangseeh island sa Palawan, ngunit sa kasamaang palad ay hinagupit sila ng malalaking alon bunsod ng pananalasa ng bagyong Vinta.
Ayon pa kay Medina, natagpuang palutang-lutang ang mga mangingisda sa Pamilikan island umaga ng Lunes, at nasagip ang 72 iba pang mangingisda.
Nakuha ng mga rescuers ang bangkay ng isa sa kanila, habang nasawi naman pagdating sa pier ang isa pa nilang kasamahan.
Dinala naman sa Cagayan de Tawi-Tawi Hospital ang mga nakaligtas na mangingisda.