Cyber unit, binuo ng Vietnam bilang pangontra sa mga kritiko

Bumuo ng isang military cyber-unit ang Vietnam na layuning kontrahin ang anila’y mga maling pananaw ng mga kritiko at ‘fake news’ ng mga netizens na ikinakalat sa social media laban sa kanilang bansa.

Ayon kay Lieutenant General Nguyen Throng Nghia, deputy head ng political department ng Vietnam, aabot sa 10,000 empleyado ang kasapi ng kanilang cyber unit na binansagang ‘Force 47’.

Pangunahing layunin aniya ng bagong cyber-unit na labanan ang mga maling pananaw laban sa kanilang bansa.

Aniya, bawat segundo aniya ay kumakalat sa internet ang mga maling impormasyon mula sa ibang grupo.

Matatandaang patuloy ang pagpapalakas ng puwersa ng Vietnam upang kontrolin ang internet sa kanilang bansa partikular ang mga grupong bumabatikos sa one-party state.

Nitong Agosto lamang, sinabi ng lider ng Vietnam na kailangan na bigyan ng atensyon ang pagkontrol sa mga ‘blog’ at ‘news site’ na naglalaman ng mga ‘delikadong impormasyon’.

Noong nakaraang buwan lamang pinatawan ng 7-taong pagkakulong ng Vietnam ang isang blogger na nagpapakalat umano ng propaganda laban sa pamahalaan.

Ang Vietnam ay nasa top 10 ng mga bansa na maraming Facebook users.

Read more...