Bilang ng nasawi sa NCCC mall fire umakyat sa 38; 22 bangkay kilala na

 

Natukoy na ang pagkakakilanlan ng 22 sa mga narekober na katawan mula sa nasunog na NCCC mall sa Davao City.

Matatandaang 37 ang una nang napaulat na nasawi sa matinding sunog na naganap sa naturang mall.

Gayunman, kumpirmadong natagpuan at nakilala na rin ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang ika-38 biktima ng sunog.

Unang idineklarang missing ang ika-38 na biktima sa malagim na trahedya na si Melgin Ga-a, na napag-alamang isang empleyado ng NCCC mall.

Kinumpirma na rin ng lokal na pamahalaan ng Davao City ang pagkasawi kay Ga-a.

Ang 37 na biktima naman ay pawang mga empleyado ng data provider company na Survey Systems International (SSI).

Read more...