NoKor bukas sa pakikipag-usap sa U.S at Seoul

AP

Naghahanda na umano ang North Korea na maglunsad ng satellite.

Ito ang naging report ng pahayagang Joongang Ilbo, kung saan nanggaling ang kanilang impormasyon mula sa mismong pamahalaan ng South Korea.

Batay sa report, napag-alamang nabuo na ng NoKor ang bagong satellite na pinangalanang Kwangmyongsong-5 na mayroong naka-install na mga camera at telecommunication devices.

Unang nagsimula ang paglulunsad ng NoKor ng mga satellite noong 1998 sa pamamagitan ng Kwangmyongsong-1 na kilala rin sa tawag na Gwangmyeongseong-1.

Samantala, sinabi ng Ministry of Unification ng South Korea na posibleng maging bukas ang NoKor na magkaroon ng dayalogo kasama ang U.S sa 2018.

Ito aniya ay dahil sa kagustuhan ng naturang bansa na kilalanin sila bilang isang nuclear-armed country.

Kasabay nito ay posible rin umanong makipag-usap ang NoKor sa South Korea para maibalik ang inter-Korean relations sa susunod na taon.

Inaasahan naman na ipapataw na sa NoKor ang mga international at bilateral sanctions sa 2018 dahil sa mga inilunsad nitong inter-continental ballistic missiles (ICBM).

Read more...