Sinabi ng DOH na kabilang sa mga susuriin ng lupon ay ang 5-year observation period at clinical trials na ginawa ng pharmaceutical firm na Sanofi Pasteur na siyang gumawa sa Dengvaxia.
Isasama rin sa kanilang susuriin ang naging rekomendasyon ng Food and Drugs Administration sa Dengvaxia at ang naging partisipasyon ng Epidemiology Bureau sa pagtuturok ng anti-dengue vaccine sa publiko.
Gustong malaman ng DOH ang naging epekto ng Dengvaxia at kung nabawasan ba talaga nito ang mga dapat ay mabibiktima ng dengue sa bansa.
Ipinaliwanag ni Health Sec. Francisco Duque na kaisa ng kanilang tanggapan sa pag-aaral na ito ang World Health Organization (WHO).
Magkatuwang naman na iimbestigahan ng National Bureau of Investigation at ng UP-PGH ang kaso ng mga namatay na sinasabing nabakunahan ng Dengvaxia.