Mga naapektuhan ng bagyong Vinta at Urduja tatanggap ng finanancial aid

Inquirer file photo

Bibigyan ng P10,000 financial aid ang mga kaanak ng mga namatay dulot ng paghagupit ng bagyong Vinta at Urduja.

Ipinaliwanag ni Natural Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Romina Marasigan na bibigyan rin ng P5,000 na tulong pinansiyal ang mga sugatan.

May ilalaan ring pera ang gobyerno bilang tulong sa mga nasiraan ng mga bahay dulot ng kalamidad.

Kinakilangan lang umanong makipag-ugnayan ng mga naapektuhan ng lindol sa kanilang mga lokal na pamahalaan.

Sinabi rin ni Marasigan na dapat ihanda ang ilang mga dokumento tulad ng death certificate para sa mga namatayan at medical certificate naman para sa mga sugatan.

Dadaan rin umano sa assessment ang nasabing mga dokumento para matiyak na tanging ang mga kwalipikado lamang ang mabibigyan ng pondo ng gobyerno.

Read more...