Epektibo na ngayong araw, December 26 ang pinakabagong paggalaw sa mga presyo ng produktong petrolyo.
Simula alas 6:00 ng umaga, tataas ang presyo ng produktong diesel ng mga kumpanya ng langis ng P0.15 kada litro.
P0.10 kada litro naman ang itataas ng kerosene.
Samantala, may bawas naman na P0.20 ang presyo kada litro ng gasolina.
Ilan sa mga nag-abiso na ng panibagong oil price adjustment ang Petron, Shell, Eastern Petroleum, SeaOil at Total.
MOST READ
LATEST STORIES