Ayon sa abiso ng Department of Transportion o DOTr, nakaranas ng problemang teknikal ang dalawa sa kanilang tren kahapon.
Unang nagka-problema ang isa nilang tren dakong alas-4:15 ng hapon, Lunes, araw ng Pasko.
Dahil dito, nagpababa ng mga pasahero sa southbound ng Quezon Avenue Station ang MRT dakong alas-4:33 ng hapon.
Umaabot sa 205 pasahero ng MRT ang naapektuhan sa naunang aberya.
Ayon sa Kagawaran, ang hindi pagsasara ng isa sa mga pintuan ng tren kaya’t napilitan silang ipahinto ang operasyon nito at pababain ang mga pasahero.
Samantala, dakong alas 6:16 ng gabi, araw pa rin ng Pasko, hindi pa man nakakaalis ang isang tren ng MRT sa North Avenue station ay muling pinababa angnasa 240 pasahero nito.
Ito ay dahil sira umano ang public address system ng tren na siyang ginagamit upang ianunsyo ang susunod na istasyon na hihintuan ng MRT.
Dahil sa aberya, pinalipat na lamang sa susunod na tren ang mga pasahero.